HOMEMADE MALUNGGAY PIZZA, YUMMY NA MASUSTANSIYA PA (RECIPE)

 

YUMMY – Sino nga ba ang hindi pa nakakakain ng Pizza? Kahit nga tingi ay mayroon nang makikita sa kalye na mabibili sa mas murang halaga kada sliced ng Pizza. Sinong mag aakala na pang may class at pang mayayaman lang ang yummy recipe na ito, maaari na rin kasi itong gawin sa loob mismo ng ating kusina, kaya naman hindi na lang sa mga restaurant natin matitikman at malalasap ang masarap na Pizza, matitikman na rin ito sa bahay, samahan pa ng napaka healthy na Malunggay.

                Ang Pizza ay isang Italian food, subalit sa napakasarap at napakalasa nito at talagang pang masa, kaya naman nabaliw ang buong mundo sa pagkain nito lalong-lalo na ang mga Pilipino. Sa ngayon, maraming nagsasabing sa Italy nagmula ang Pizza, subalit may mga historian na nagsasabing ito ay nadiskubre sa Greece at ang iba naman ay sinasabing unang nakain sa Egypt.

MGA SANGKAP

Para sa Dough, kakailanganin ng mga sumusunod: Isa’t kalahating cup ng maligamgam na tubig, lebadura o yeast, tatlo’t kalahating cup ng harina, olive oil, salt and sugar

                Para naman sa Pizza mismo, olive oil, cornmeal, tomato sauce, mozzarella o parmesan na keso, mushroom, lutong Italian sausage, green or red na bell pepper o sili, hiniwa-hiwang basil, pesto, pepperoni, sibuyas, at ham, puwede ring lagyan ng pinya kung gusto ng Hawaiian flavour at syempre ang napaka sustansiyang malunggay.

PARAAN NG PAGGAWA NG PIZZA DOUGH (yung tinapay sa Pizza) AT NG PIZZA

                 Sa isang malaking bowl ng panghalo ng mga sangkap o yung mixer upang maging pantay ang paghalo ng mga sangkap para sa kulay at lasa nito, lagyang ng maligamgam na tubig, ilagay ang yeast at hayaan na mahalo sa loob ng limang minuto upang tuluyang madissolve ang yeast.

                Ilagay ang mga sangkap sa mixer tulad ng olive oil, harina, asin at asukal na mabagal lamang na ikot at hintaying maging smooth at elastic na ang dough.

                Ilagay ang nahalong dough sa isang lalagyan, icover din sa plastic wrap at painitan sa oven sa loob ng 150’F  hanggang sa ito’y umalsa sa loob ng dalawang oras.

                Kapag umalsa na, lagyan ito ng olive oil saka masahin sa kung anong korte o shape ng pizza ang nais, maaaring gamitin ang mga kamay sa pagmamasa hanggang sa ito’y maging perpektong bilog na hugis na. Sensitibo ang pagmamasa ng tinapay, minsan ay narito ang sekreto upang sumarap ang tinapay, lagyan ng cornmeal ang pinagmamasahan at saka ipatong ang dough ng Pizza.

                Lagyan ng tomato sauce, ilagay ang mga kesong kakailanganin, mushroom, lutong Italian sausage, green or red na bell pepper o sili, hiniwa-hiwang basil, pesto, pepperoni, sibuyas, ham at syempre ang Malunggay.

                Ilagay ito sa oven toaster, o sa kugon para sa mga tradisyunal, hintaying maging golden brown at mag-melt ang cheese sa loob ng 10-15 na minuto o puwedeng mas mahaba pa kung gusto ng medyo tustado.

                Luto na ang napakasarap at healthy pa na Pizza, siguradong masusuklian ng saya at tamis ang mga oras na ginugol mo sa pagluluto ng Pizza hindi lamang para sayo kundi para na rin sa buong pamilya.


               

               

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN