HALO-HALO, IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES
Sa init ng panahon, talaga namang
it’s more fun in the Philippines ang halo-halo, sa nakakapawis at nakakahilong
init, kung minsan ay nakakasunog pa ng balat ay talagang mapapakain ka ng sikat
na sikat na meryenda tuwing sasapit ang panahon ng tag-init.
Halos kada kanto
ng ating bansa, may nagtitinda ng halo-halo, tiyak kasing mabenta ito upang
mapawi ang uhaw at malagpasan ang sobrang init na nararamdaman sa ating katawan.
Ang
iba, kahit gatas at asukal lang ang sahog, perfect na basta’t may yelo, sarap
na sarap na ang mga Pilipino.
May
mga sari-saring bersiyon din ang halo-halo sa paraan ng paglalagay ng mga sahog
at sangkap, ang iba naman dinadala sa presentation, subalit kung ang afford
lang ng iyong customer ay ang halo-halong pangkalsada, aba, tiyak itong mas
mura kaysa sa mga restaurant dahil sa mas murang sangkap kaya kadkad dito,
kadkad doon.
Ang
mga sangkap na kadalasang inihahalo sa halo-halo ay ang mais, saging, kamote,
sago’t gulaman, nata de coco, pinipig at langka, subalit sa special halo-halo,
nilalagyan din ito ng ube halaya, ice cream at leche flan o flan.
Maganda
rin kung ialok ang halo-halo sa iba’t-ibang size ng lalagyan, may small na
maaaring ibenta sa 5-10 piso kada order, medium size na maaaring ibenta sa
10-15 na piso kada order at large na maaaring ibenta sa 15-25 na piso kada
baso.
Siguradong
marami ang magugustuhan ang lamig ng halo-halo at maipopost pa ito sa
kanya-kanyang Instagram.
Tara na’t humigop ng malamig, dahil sa sarap nito, siguradong paulit-ulit na bibilhin ang number one pampalamig tuwing mainit ang panahon, ang halo-halo.
Comments
Post a Comment