MICRO ART, NAUUSO!

 

                Nakakita na ba kayo ng mga napakaliit na art at halos nakakaduling na? Mga guhit mula sa shell itlog at mga tattoo na ‘sing liit ng barya, aba, talagang kakaiba.

                Talaga namang nakaka-challenge ito, sa sobrang liit, may posibilidad na hindi na makita ang mga detalye nito subalit ayon sa ulat ng GMA news, ang micro tattoo ay napaka-kumplikado pero ito’y specialty in the house ng isang tattoo artist.

                Ang imahe nga ng last supper, naiguhit sa balat na kasing laki lamang ng band aid, ayon pa nga sa mga may micro tattoo, astig ito at talaga naman incredible.

                Subalit, kahit mas maliit sa normal na laki ng tattoo, mas matagal naman itong gawin dahil sa mga detalyeng kailangang hindi mawala sa art na ito at ang presyo nito, aabot ng 1,000 – 25,000 na piso.

                Samantala, shell ng itlog, ginagawa na ring canvass upang lumikha ng kakaibang sining, ayon sa isang egg artist, ang itlog ay isang makapangyarihang simbolo para sa mga kababaihan, at mas malinis gawin.

                Pero napakakumplikado rin nito, ginagamitan kasi ito ng iba’t-ibang uri ng coloring materials, at bago pa man ito pintahan, maingat munang bubutasan ang itlog at saka tatanggalin ang laman nito, lilinisin pa ng sabon at bleach at patutuyuin.

                Tatlong araw bago matapos ang egg art na ito at umaabot hanggang 550 na piso ang halaga nito.


                Nakaduduling ang ganitong art pero ito ay isang sining na magpapakita ng ating expression at kakayahan sa ating talento.


Photo credit to THE STATESMAN

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN