MAPUTING NGIPIN, MAS HEALTHY MAS APPEALING

 

Sinasabi nilang ang magandang ngipin ang puhunan para sa isang killer smile, nakakahiya nga naman na ngiti ka ng ngiti pero madilaw at puro sungki ito, ang solusyon ng iba, bleaching at ang brace para pumuti at magpantay pantay ito. Subalit, para lamang ito sa mga may pera dahil napakamahal nito para sa mga ordinaryong tao na nagto-toothbrush lamang ng isang beses sa isang araw, o minsan ay nakakalimutan pa.

                Narito ang ilang tips para mapanatilihin ang matibay at maputing ngipin, una, magtoothbrush lagi pagkatapos kumain, naiiwan kasi ang mga bacteria mula sa pagkain sa mga pagitan ng ating ngipin na nagiging sanhi ng cavity. Pumili rin ng toothbrush na angkop lamang sa sukat ng ating bibig at ngipin upang hindi masugatan ang gums. Maglagay lamang din na sapat na toothpaste at h’wag masiyadong marami upang hindi masayang, dahil ito ay tumatapon lamang.

                Mahalaga rin na i-maintain ang mga bitamina upang tumibay ang ngipin, tulad ng Vitamin A na tumutulong upang madevelop ang kalusugan ng ating ngipin at ng gums o gilagid. Ang vitamin C naman na tinatawag ding ascorbic acid ay tumutulong upang iabsorb na ating ngipin at gilagid ang iron, ito rin ang nagme-maintain upang tumabay ang mga tissues na konektado sa isa’t-isa, at siyempre, ang vitamin C ang pangunahing bitamina na nagpapatibay at nagpapalakas sa ating ngipin at sinasabing dapat magtake ang lahat ng tao ng vitamin C araw-araw. Kailangan din ng Vitamin D at Calcium upang tuluyang makumpleto ang mga bitamina na tutulong na magpatibay sa ating mga ngipin.

                Mahalaga rin na kumain ng mga pagkaing mayaman sa mga bitaminang ito, nangunguna na nga rito ang gatas na punong-puno ng calcium at ang Prutas at gulay.

                Payo ng mga dentista, magpalit ng toothbrush kada tatlong buwan at magpalinis ng ngipin sa mga dental clinic kada anim na buwan. Ingatan ang ating mga ngipin, hangga’t maaari ay regular na magpakonsulta sa mga dentista upang masigurong healthy ang iyong teeth.

 

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN