PINOY SORBETES, ANG NAG-IISANG DIRTY ICE CREAM NA MASARAP

 

                O’, huwag kayong magugulat a, malinis ang dirty ice cream, tinawag itong dirty marahil sa murang halaga nito at abot kaya para sa mga bata. Subalit, may mga ilan na nagsasabing napakarumi nito dahil sa vendor mismo o ‘di kaya naman ay dahil sa paggawa nito.

                Ang isang itinuturong dahilan ay dahil sa vendor o yung mismong nagtitinda nito, karaniwang walang gloves, at madalas hila ang kariton ng ice cream at saka ito gagamitin tuwing may bibili. Isa pa ay ang paggawa nito, ang higit na dahilan ng ilan ay ang hindi nakikita o hindi alam ng tao kung paano ito ginagawa, subalit, wala na sanang tumatangkilik nito kung marumi ang paggawa ng ice cream.

                Pero ang pinakakatanggap-tanggap na dahilan ay dahil sa environment kung saan ito ibinebenta, karaniwang mabibili sa kalsada, sa daan na kung saan puno ng usok ng mga sasakyan at sa kung ano pang dahilan na maihahalintulad sa ating kapaligiran.

                Subalit, sino nga ba ang ayaw ng dirty ice cream? Napakaraming flavor na pagpipilian at maaari itong pagsama-samahin sa iisang apa o baso. May mga nagsasabi rin na kapareho lamang ng sustansiyang makukuha sa Dirty ice cream at branded ice cream, subalit ang ilan, iniisip na food coloring lamang ang mga flavor ng dirty ice cream ‘di tulad ng sa branded. Homemade man o de-makina, iisa lang ang sigurado, sa bansang napakainit, tiyak na bebenta ang ice cream mo.

                Kaya naman mga manong sorbetero, siguraduhing malinis ang inyong mga sorbetes para dumami ang inyong mga costumer at tiyak na kikita ang inyong pangkabuhayan.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN