PINAY STUDENT, PASOK SA US MAGAZINE VULTURE’S ‘30 INTERNET CELEBRITIES’ LIST

 

            Isang Pinay na 20-anyos ang nakapasok sa listahan ng US magazine vulture’s ’30 internet celebrities bilang isang twitter sensation. Ayon sa GMA News online, si Clara Quiambao ay mayroong 2.6 million followers sa kanyang twitter account o page na hindi nakapangalan direkta sa kanya.

                Ang twitter account na ito ni Quiambao ay para sa mga post patungkol sa mga sa kabataan at naglalaman ito ng mga inspirational quotes. Ayon pa sa nasabing online news, kasama ni Quiambao sa listahan ang ilan sa mga internet comedians, YouTube stars, at ang kalook-a-like ni Justin Bieber.

                Ang account na ito ni Quiambao ay pinamagatang “It’s a thing teen” na kung saan, regular niya itong ina-update at nagpopost ng mga quote na magbibigay inspirasyon sa mga kabataan.

                Ayon muli sa online news, nalaman na isang Mass Communication Student si Quiambao sa Centro Escolar University o CEU na kung saan malapit na rin itong magtapos sa pag-aaral. Ayon pa sa Coconuts Manila, ang “It’s a thing teen” account ni Quiambao ay naglalabas ng 40 na beses na tweets na may pagitan na 30 minuto. Nasabi rin sa nasabing report na kumikita na rin ang estudyanteng ito sa kanyang twitter page subalit hindi na ito nasabi.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN