EPEKTO NG GLUTATHIONE SA BALAT NGAYONG TAG-INIT
Ang Glutathione ay isa sa mga pinaka-popular na
paraan ng pagpapaputi, subalit ano nga ba talaga ito? Ayon sa pag-aaral ng
isang blogspot na glutalab, ang Glutathione o GSH ay isang maliit na protein
molecule na mula sa amino acids cysteine, glycine, at glutamic acid. Ito ay
ginagawa sa loob ng mga selula o cells. Ang abilidad ng mga selula na gumawa ng
Glutathione ay nalalaman sa supply ng raw materials o glutathione precursors.
Marami
rin ang naeenganyong gumamit nito dahil sa napakaraming gusto ang pumuti, bakit
nga ba? Ayon kasi sa maraming Pilipino, mas maganda ang isang babae o kahit na
rin ang lalake kung ito ay maputi. Isa ito sa qualification upang masabi ng
maraming Pilipino na maganda ang isang tao, at dahil ito rin ang sinasabi ng
ating komunidad, mas maputi, mas maganda.
Ang
pangunahing epekto ng paggamit ng Glutathione ay para pumuti ang balat ng mga
taong gusting pumuti. Inaalis kasi ng Glutathione ang mga harsh chemicals sa
katawan ng tao at dahil dito ay sisiglang muli ang kalusugan, ang proseso ng
pagtanda ay babagal, at ang balat ay muling lilinaw.
Subalit,
ang glutathione ay maroon ding masamang epekto lalo na tuwing tag-init lalong
lalo na sa ating mga balat. Bukod kasi sa epekto nito sa ating lung o baga ayon
sa ilang mga balita, maaari rin itong maging sanhi ng skin cancer kapag expired
o peke ang gluthatione na gagamitin.
Nasusunog
nga ba ang balat tuwing tag-init sa paggamit ng gluta? Mayroong iba-ibang
pananaw ang mga tao sa paggamit nito, kaya naman ayon sa isang user, non-user
at future user, malalaman natin ang mga paniniwala nila sa paggamit ng
Glutathione.
Ayon
kay Joanah Cammille Ong, isang user ng produkto “Kasi kaya nangingitim yung tao ay dahil sa melanin sa katawan natin
parang ‘yun na yung proteksyon ng katawan natin para di masunong ang balat. E’
ang gluta nagpapaputi, kaya apektado yung balat at maaaring mapaso. Baka
magkaroon ka ng cancer pag sumobra.” Dagdag pa niya, “medyo naramdaman ko ‘yung
paso last year nung summer.”
Ayon
kay Eunice Lagarto, non-user ng produkto “Tingin
ko imbes na pumuti sila because of using that baka masunog pa lalo balat nila.
Kasi chemical yun at dahil sa tindi ng init ngayong summer hindi sya prescribe
gamitin mas mainam na gumamit ng sunblock.” Ang kanyang paniniwala.
Ayon
naman kay Ma. Nicka Laoag, isang future user, “Alam ko kasi kapag gumagamit ng gluta lalo na injectable mas epektib
tapos kahit magbabad ka sa araw ‘di ka iitim agad agad.” Ang kanyang
paniniwala kaya susubukan niyang gumamit.
Totoong nakakatulong ang Glutathione sa
pagpapaputi, may mga chemicals ito na magpapatunay sa pagpapaputi, pero depende
pa rin ito sa mga gumagamit, dahil sila ang nagbabayad, sila ang pumuputi, sila
ang nakakaranas ng kaligayahan at higit sa lahat, sila rin ang tumatanggap ng
side effects, kung mayroon man.
Hindi
masamang pumuti, kung ito ang magiging dahilan upang tayo ay sumaya, bakit
hindi? Basta’t siguraduhin lamang na tama at legal ang bibilhang produkto,
Comments
Post a Comment