ANG MALINAMNAM NA SINIGANG NA BAYABAS SA BABOY (RECIPE)

 

                                                        (photo c/o eatlikepinoy.com)

Ang sinigang ay isang pagkaing Pilipino na napakaraming bersiyon tulad ng sinigang sa sampalok o ang sinasabi nilang ang orihinal na sinigang, sinigang sa miso, sinigang sa mangga at ang sinigang sa bayabas.

                Kilala ang bayabas bilang herbal medicine subalit ang prutas ng puno nito ay maaaring kainin, ginagawang palaman at sahog sa iba’t-ibang putahe tulad na nga ng sinigang.

                Depende rin kung anung klase ng karne ang gustong ihalo sa sinigang bilang pangunahing sangkap, puwedeng baboy (Laman, liempo o buto-buto), maaari rin sa hipon, tilapia at ang pambansang isda na Bangus.

                Sa pagluluto ng sinigang na bayabas sa baboy, inaabot ng mahigit kalahating oras kabilang na ang pagpapalambot sa karne nito.

                Ang mga pangunahing sangkap sa pagluluto ng sinigang sa bayabas ay ang hinog na bayabas upang ito’y mas lumasa at madaling matunaw, isang kilong buto-butong baboy, isang tali ng kangkong, ¼ ng gabi, tatlong piraso ng siling berde, asukal, asin at paminta, tubig para sa sabaw, maaari rin lagyan ng iba pang gulay tulad ng okra at sitaw.

PARAAN NG PAGLUTO

                Pakuluan ang buto-butong baboy at isabay na rito ang gabi at binalatang bayabas at hintayin itong lumambot at madurog.

                Kapag malambot-lambot na, timplahan ito ng asukal, asin at paminta at pakuluan muli.

                Ilagay ang mga gustong gulay tulad ng okra at sitaw.

                Kung malambot na ang baboy, ilagay ang siling berde at ang dahon ng kangkong at maaari na itong ihain.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN