PANCIT VS SPAGHETTI

 

Sa mga Pilipino, tiyak na paborito tuwing birthday, binyag, kasal at iba pang okasyon ang dalawang pagkaing ito, kahit sa mga restaurant ay bidang bida ang pancit o kaya naman spaghetti.

               At kung tatanungin ang ilan sa mga Pilipino kung ano ang kanilang gusting kainin sa kanilang birthday at sa iba pang espesyal nilang araw, hinding-hindi nawawala ang dalawang ito.

               Ayon sa ilang mga Pinoy na mahilig sa pagkain, kung tutuusin kasi, mas makakamura kung pancit ang ihahain sa hapagkainan at sa lamesa ng buong bayan, mas mura kasi ang sangkap nito at maaaring kikiam, fish balls o squid ball ang isahog kung walang pambili ng karne ng baboy.

               Ang spaghetti naman ang mas mahal subalit mas espesyal ito lalong-lalo na sa mga chikiting at paboritong-paborito nila ito, sino nga namang bata ang hindi kumakain ng spaghetti, kung mayroon man, siguradong iilan lang ito.

               Ang spaghetti ay kilala bilang Italian food, kilala sa Italy ang iba’t-ibang klase ng lutong pasta tulad ng carbonara, lasagna, at iba pa na kalaunan ay naging popular sa Pilipinas.

               Malaki naman ang naging impluwensiya ng mga Tsino sa Pilipinas, kaya naman lasap na lasap ng mga Pinoy ang mga Chinese food tulad ng shanghai, siomai, mami, siopao, at siyempre, ang pancit na kalaunan ay nagkaroon ng iba-t-ibang bersiyon dito sa Pilipinas, tulad ng pancit Malabon, pancit habhab at marami pang iba.

               Pancit vs Spaghetti? Sa ilang mga fast food restaurant dito sa bansa, makikitang pambato ng ilan sa mga ito ang spaghetti at pancit, tulad ng sa KFC, Jollibee at McDonalds, ang isang pambato nila ay ang spaghetti at pancit naman sa Chowking at Mang Inasal

               Subalit ano nga bang sikreto ng pancit at spaghetti upang maging lubos na katanggap-tanggap sa bansang hindi mabubuhay kapag walang kanin? Simple lang din ang sagot, dahil ito sa sangkap at natatanging sarap nito na pasok sa panglasa ng milyun-milyong mga Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

MGA SANGKAP AT PARAAN NG PAGLULUTO NG PANCIT BIHON

               Isa sa mga uri ng pancit ay ang bihon, maliban sa pancit canton, mami, molo at iba pa, simple lang din ang mga sangkap nito at napakamura, at siguradong hindi mahirap hanapin sa inyong lugar at sa malapit na palengke.

               Ang mga sangkap nito ay ang mga sumusunod: 1 kilo ng bihon, ¼ na baboy pang litson kawali (sliced) o kaya naman ay squid ball (isang balot), repolyo, karot, sayote, Baguio beans, kinchay, sibuyas, bawang, toyo, oyster sauce, mantika, tubig, asukal, asin at paminta.

               Mukhang marami ang sangkap subalit napakamura lamang nito, maaari ring mamili lamang ng gulay na gusting ilagay, kung gusting repolyo lang o karot ay puwede rin naman.

               Para lutuin ang pancit, igisa sa mantika ang bawang at ang sibuyas at maaari na rin isunod ang karne at hintayin itong mamula at magmantika.

               Ilagyan ng oyster sauce, toyo at tubig, ilagay ang mga gulay at palambutin ito.

               Makalipas lamang ng ilang minuto, maaari ng ilagay ang pancit bihon at hintaying sumipsip ito ng sabaw.

MGA SANGKAP AT PARAAN NG PAGLULUTO NG SPAGHETTI

               Ayon nga sa mga chikiting, ang sarap at tamis ng spaghetti ay siyang nagbibigay ng appeal upang ito’y lalong kainin.

               Kilala kasi ang Pinoy Spaghetti sa pagiging matatamis, kasalungat sa orihinal na bersiyon nito na maasim.

               Ang mga sangkap ng Spaghetti ay ang mga sumusunod: 1 kilo spaghetti pasta, 1 sachet ng spagheeti sauce (large), ½ bottle ng ketcup, ½ kilo ng asukal, ½ kilo pork giniling, 5 pcs of hotdogs, 1 cup ng nestle cream, cheddar cheese, bawang, sibuyas, siling pula, mantika, tubig, asukal, asin at paminta.

               Kung titingnan, mas mahal talaga ang mga sangkap na gagamitin sa spaghetti subalit mas espesiyal ito at mas katakam-takam.

               Para lutuin ang spaghetti, igisa ang bawang, sibuyas, siling pula at igisa na rin ang giniling (pork).

               Sa hiwalay na kaserola, magpakulo ng tubig at kapag kumukulo na ito, ilagay na ang pasta at palambutin sa tamang lambot lamang.

               Lagyan ng spaghetti sauce, ketchup, at tubig, pakuluan ito at lagyan ng asukal, paminta at asin ang ginigisang mga pampalasa at ibang sahog.

               At kung ito’y kumukulo na, lagyan ng nestle cream at maaari ng ihalo ang napalambot na pasta.

               Ihain ito na may budbod na cheddar cheese sa ibabaw at maaari na itong pagsaluhan ng buong pamilya at barkada sa bahay man o sa restaurant.

               Magkaibang putahe man, siguradong mahal na mahal naman ito ng mga Pilipino at itinuturing na rin itong sariling atin.

              



Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN