SANGGOL, HIMALANG NABUHAY MATAPOS IDEKLARANG PATAY NA

 

Laking gulat ng isang babae nang marinig ang iyak ng sanggol na idineklarang patay nang iluwal ng ina at inilagay na sa kahon para dalhin sa punerarya sa Cotabato.

               Ayon sa isang panayam sa Tiyahin ng sanggol, na si Janet Rinsulat, sinabi nito na isinilang ang premature na bata sa pamamagitan ng normal delivery sa Cotabato Provincial Hospital noong umaga ng Linggo.

               Subalit, sinabi ng isang staff na hindi umiiyak ang sanggol kaya idineklara na itong patay na, at ikinalungkot ng buong pamilya.

               Pagkaraan pa ng isang oras, inilagay na nila ang sanggol sa kahon at ipinagkatiwala sa isa nilang kamag-anak habang hinihintay ang sasakyan ng puneraryang pagdadalhan nila sa bata.
               Subalit nagulat umano ang kaanak nila na may hawak ng kahon nang makarinig ng iyak ng sanggol sa loob ng kahon.

               Ayon sa GMANewsonline, kaagad umano nilang ibinalik sa ospital ang sanggol at inilagay naman sa Neo-Natal Intensive Care Unit dahil sa pagiging premature nito nang isilang.

               Gayunman, inireklamo naman ng mga kaanak ng sanggol ang umano'y hindi maayos na pag-asikaso sa bata at paghingi ng deposito para maipagamit ang oxygen tank.

               Nais din nilang mapapanagot ang mga nagkamali sa pagdeklara sa bata na patay na.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN