DAMBUHALANG AHAS, PINANINIWALAANG ISANG “ANACONDA”

 

Marami ang humanga at natakot sa pelikulang Anaconda na nagkaroon pa nga ng apat na serye, pero paano na lang kung ditto mismo sa Pilipinas ay mayroon nito, maniniwala ba kayo o patuloy lang itong kathang isip na nakikita lamang sa pelikula?

               Isang dambuhalang ahas na hinihinalang anaconda ang napatay ng mga magsasaka sa barangay Balarin sa bayan ng Boac sa lalawigan ng Marinduque.

               Ayon sa ulat ng GMA News, ikinuwento umano ng isang magsasaka na nakita niya ang ahas matapos kainin ang kanyang alagang baboy na may 30 kilo ang bigat.

               Pero nang aatakihin din siya ng ahas na may 25 talampakan ang haba, humingi na umano siya ng tulong sa mga kapitbahay at napatay nila ito ang nasabing dambuhalang ahas doon din nila nakita ang kinain nitong baboy.

               Nangangamba naman ang mga residente sa kanilang kaligtasan subalit ayon sa mga awtoridad, h’wag basta na lang patayin ang ahas o anumang hayop sa halip ipagbigay alam na lamang muna ito sa kanila.

              

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN