INIHAW NA BANGUS, PATOK SA HANDAAN! (RECIPE)
Pambansang isda
ng Pilipinas at isa sa mga itinuturing na pinaka-masarap na pagkain sa bansang
pinaliligiran ng karagatan, ang bangus o ang milkfish sa ingles. Ang bangus ay
isang uri ng isda na kung saan ito ay matinik o mabuto, subalit napakahalaga
nito para sa mga tao lalo na sa timog-silangang Asya na kung saan karaniwan
itong makikita, kasama na nga rito ang Pilipinas. Ang bangus ay kabilang sa
pamilya ng Chanidae at tinatawag sa ibang lugar na Chanos.
Siyempre, ‘pag sinasabing bangus,
hinding-hindi mawawala sa isip ng mga Pilipino ang Dagupan, Pangasinan, ang
sinasabing Bangus Capital of the Philippines at taun-taon ay ipinagdiriwang ang
bangus festival sa naturang lugar.
Sa sobrang daming puwedeng lutuin
at putahe sa bangus, isa sa mga tumatak sa sikmura ni Juan ang Inihaw, paano ba
naman? Napakasasimple lang kasi nito, mag-iihaw ka lang at maaari mo ng ihain
sa mga handaan, inuman at kahit sa buong pamilya. Pero ang simpleng inihaw na
bangus, lalagayan natin ng twist sa paglalagay ng giniling na baboy sa loob ng
isda.
Para sa isang pamilya na may
miyembrong lima o pababa, kakailanganin lamang ng isang malaking bangus,
kamatis, sibuyas at manggang hilaw, kailangan din ng patis, oyster sauce,
paminta, asin at ang pang-twist sa lasa, ang giniling sa baboy, kailangan din
ng aluminium foil at uling sa pagluluto nito.
PARAAN NG
PAGLUTO
Hiwain sa maliliit ang kamatis,
sibuyas at manggang hilaw at timplahan ito ng paminta, patis at oyster sauce,
giniling na baboy, halu-haluin at imarinade ito ng kulang 30 minuto. Habang
nakababad ang mga sangkap, hiwain sa gitna ang bangus at budburan ito ng asin.
Ilagay ang mga sangkap sa loob
ang bangus at balutan ng aluminium foil. Magpadingas ng apoy sa uling gamit ang
ulingan at ihawin ito hanggang ito’y mainin, baliktarin ang magkabilaang bahagi
ng bangus sa 10-15 na minuto.
Sa isang simpleng pagkain gamit
ang bangus, tiyak, magugustuhan ito ng hindi lang pamilya, pati na rin ng buong
barkada.
Comments
Post a Comment