SCOTCH TAPE SELFIE O SELLOFIE, NAUUSO!
Nauuso
lalong-lalo na sa ibang bansa ang kakaibang gimik na ito na kung saan babalutan
ng scotch tape ang mukha at saka ito pi-piktyuran, tinatawag itong scotch tape
selfie.
Tinatawag din itong sellotape
selfies, ayon sa isang UK website, naintroduce ito noong 2012, lalagyan o
babalutan ng scotch tape ang mukha upang ito’y malukot o ma-distort at kukuhaan
ng litrato upang ito’y mapansin. Ayon kay Lizzie Durley, 21-year-old na isang
estudiyante ng Brighton University na ring gumagawa ng sellofie, nagsimula
siyang magbalot ng scotch tape sa mukha ng makita niya sa pilikulang Yes Man na
kung saan may eksena na binalutan ni Jim Carrey ang kanyang mukha, hindi siya
maka-get over sa katatawa kaya naman sinubukan niya rin itong gawin at pinost
niya ito sa kanyang Facebook page. Umabot sa higit 120,000 na likes ang kanyang
Facebook page at nakakatanggap na rin siya ngg daang-daang komento at sellofie
galing sa mga mahihilig mag selfie araw-araw.
Willing ka ba na gawin ito?
Lulukutin ang iyong mukha sa pamamagitan ng scotch tape at pipiktyuran ang
sarili at ipopost ito sa inyong social networking sites.
Comments
Post a Comment