BULUTONG, USO TUWING MAYO

 

                   Pinandidirihan, kinakatakutan at iniiwasan sa dahilang baka mahawa ng sakit na isang beses lang kung dumapo sa buhay ng isang tao, ang bulutong o ang chicken pox. Subalit, ano ng aba ang bulutong o ang chicken?

               Ayon sa isang sagot sa Answers.com, isang online site, ang Chicken Pox ay usong-uso sa panahaon ng tag-init dahil sa panahong ito ay humihina ang immune system ng katawan ng tao. Karaniwan itong nakukuha sa "varicella virus" sa pamamagitan ng direct contact, droplet o airborne spread ng fluid o secreation mula sa taong may bulutong tubig. Nakakahawa ito limang araw bago at pagkatapos makitaan ng mga blisters.

               Upang mas malinaw, ang chicken pox o bulutong ay isang karamdaman sa balat na nagbibigay ng mga butlig dito. Madaling makahawa ang bulutong, nakakahawa ito tuwing makakalanghap ang pasyente ng hangin na nakontamina na ng virus na Varicella zoster at madali itong makukuha sa mayroong mahinang resistensiya.

               Ayon naman sa kalusugan.ph, isang online site patungkol sa kalusugan, may mga pangunahing sintomas ang bulutong bago ito tumama’ sa mga taong magkakaroon nito. Ang mga sintomas na ito ay ang mga sumusunod: Pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkakalagnat, pananakit ng lalamunan at tainga, panghihina at ang kawalan ng ganang kumain.

               Hindi naman kailangan ng mga karaniwang gamot sa bulutong, subalit, kailangang maging maalaga at malinis sa katawan upang hindi lumala ang bulutong, at hindi magkaroon ng impeksiyon, iwasan ding mainitan at pagpawisan upang hindi ito mangati.

               Sabi nga nila “Prevention is better than cure” kaya pangalagaan ang ating katawan at maging malinis sa kapaligiran.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN