TAPSILOG PARA SA BUONG PAMILYA (RECIPE)

 

COMBO – para sa mga Pilipino, ito ang pinakamasarap na kombinasyon para sa almusal at kung minsan ay midnight snack pa.

               Sino nga ba ang hindi pa nakakakain ng pinaghalo-halong tapa, sinangag at itlog sa isang pinggan? Kahit saan sulok ng bansa, may makikitang karatulang “Tapsilugan” at “Tapahan”. Kahit napakaraming kalaban ng Tapsilog, tulad ng Tosilog o tocino, sinangag at itlog, Hotsilog o hotdog, sinangag at itlog, at napakaraming silog, tapsilog pa rin ang best seller nito.

               Ano nga ba ang sekreto ng napaka-yummy na tapa? Alamin ang pinaka-tinatagong sekreto sa likod ng napakasarap na tapa.

MGA SANGKAP

Baka o Beef (hiwa-hiwa sa maliliit na parte)

Toyo, oyster sauce, asukal, kalamansi, paminta at betsin (Pang-marinade sab aka o beef)

Lamig na kanin, asin, bawang, hotdog (sliced), chorizo (sliced) at butter (Para sa sinangag)

Itlog at mantika

PARAAN NG PAGLUTO

               I-marinade o ibabad sa toyo, oyster sauce, asukal,
kalamansi, at betsin ang baka na gagawing pang tapa. Kapag ito’y naibabad na sa loob ng isang araw, pakuluan ito sa tubig sa loob ng tatlong oras (ang tamang pagpapalambot sa baka ay ang susi at sekreto sa napakasarap na lasa ng baka bukod sa timpla).

               Para sa sinangag, lagyan ng butter ang kawali at kapag ito’y mainit na, ilagay ang bawang, hotdog at chorizo, ilagay na rin ang dinurog na lamig na kanin at saka magbate ng itlog at ihalo ito sa sinangag. Halu-haluin lamang ito upang magpantay ang kulay at hintayin mainin.

               Maghanda na rin ng isa pang kawali sa saka iprito ang mga itlog sa mantika,

               Balikan ang tapa, at kung ito’y malambot na, lagyan ito ng mantika at iprito ito hanggang sa ito’y maluto at kumatas ang lasa ng pagma-marinade.

               May kamahalan ito dahil sa karne ng baka ngunit sulit na sulit naman para sa buong pamilya. 

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN