JEEPNEY WITH WIFI

 

 Patok ngayon sa mga pasahero sa Dagupan City, Pangasinan ang isang pampasaherong jeepney dahil sa karagdagang serbisyo na iniaalok nito-- ang libreng WiFi.

               ayon sa GMA News Online, ang jeep na ito ay pinapasada ni Mang Gerry, madali naman daw makilala ang kanyang jeepney na may nakalagay na markang "Kissmark" na siya ring password sa WiFi.

               Ayon sa ilang pasahero, nakakatulong sa kanila ang WiFi lalo na kung mabagal ang daloy ng trapiko dahil mayroon silang pagkakaabalahan.

                Bagaman dagdag gastos kung tutuusin ang WiFi, sinabi ni Mang Gerry na nababawi naman niya ang buwanang bayad niya sa WiFi dahil mas dumami ang nakukuha niyang pasahero at may mga nagbibigay din ng “tip.”

               Pero paalala ang mga pulis sa mga pasahero ng nasabing jeepney, dapat maging maingat sila dahil maaaring maging target sila ng mga magnanakaw at nang-aagaw ng mga mamahaling telepono.

               Matatandaang, una nang naglungsad ng libreng Wifi ang ilang mga pampasaherong bus na talaga namang pumatok sa mga pasahero.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN