SCHOOL SUPPLIES SA PAPARATING NA PASUKAN

 


Malapit na naman ang pasukan, kaya ang mga nanay, kanya-kanyang paraan upang makatipid sa mga gagamitin ng kanilang mga anak para sa susunod na pasukan ngayong taon.

               Kaya naman kung gustong pagkakitaan ang pagbebenta ng mga school supply, maaari itong gawin sa inyong lugar na wala gaanong kalaban, subalit panalo sa presyo at tiyak na makakamenos ang mga ilaw ng tahanan.

               Mas mainam naman kung sa mga sikat na palengke na tiyak na mas mura ang presyo, tulad ng sa Divisoria, Baclaran, Quiapo o sa Recto hahango ng mga school supply na maaaring ibenta.

               Maaaring magpatong ng dalawang piso sa kada piraso ng notebook, halimbawa, mabibili ang string notebook sa halagang pitong piso kada piraso, maaari itong ipasa sa mga consumer ng siyam o sampung piso kung kailangan bawiin ang ginastos sa pamasahe.

               Gayundin sa lapis, ballpen, papel, eraser, pangtasa, manila paper, crayons, file case, envelops, pentel pen o marker, at marami pang iba, ito ang mga karaniwang gamit na mas kailangan sa eskwelahan.

               At para lalong makatipid, mas makabubuti kung sa kilalang suking tindahan ang paghahanguan ng mga paninda upang tiyak sa kalidad at hindi mapagsasamantalahan sa presyo ang kada gamit pang-eskwela ang bibilhin.

               Maging mapanuri rin sa mga kalidad nito, lalong-lalo na sa mga crayons at ibang plastic materials na maaaring may mga kemikal na makasasama sa kalusugan lalo na’t mga bata ang gagamit nito.


*Photo credit to Philnews

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN