BUSY KAHIT WEEKEND
Di ko alam, pero di ko namamalayan na natatapos ang aking weekend sa kung anu-anong bagay, ni hindi ko magawang magpahinga, mag-Netflix and chill at matulog magdamag. Kasi naman, maglalaba pa ako tuwing sabado after pumunta sa pinapasukang part-time job (maliit kasi sahod sa opisina. Hehe) at i-type lahat ng resibong makukuha roon, tuwing linggo naman ay work work work pa rin dahil itong Manager ko, nagtatrabaho sya tuwing linggo at syempre, dinadamay na rin nya ako (utos dito, utos doon).
Kaya pag nagyayaya ako minsan sa kaibigan ko ay nagugulat sila at ang bungad nila sa akin, "wala kang labahin ngayon? Haha naging trademark ko na ata yun sa tuwing hindi ako sumasama sa mga gala. Kailangan kasing maging responsable at hindi na tayo bata para sa mga ganyang bagay. Pero sana after nitong pandemic, bumalik ang lahat sa normal at makapag-gala at makipagsocialize ulit. Sa ngayon kasi, mag prefer ko ang humarap sa laptop, magsulat ng kung anu-anong bagay, tulad nitong ginagawa ko ngayon at magtrabaho para sa darating na araw ay mabili ko ang mga gusto kong bilhin (sa ngayon kasi puro pambayad bills lang)
Importante sa ating lahat na maging matyaga at masipag lalo na sa panahon ngayon, dahil hindi natin alam kung ano ang mga susunod ng na kabanata ng ating mundo.
Comments
Post a Comment