MAARING PAGKAKITAAN SA BUNGA NG MGA PUNO
Sampung taon bago mamunga ang
puno ng mangga, sampung taon ang paghihintay upang matikman ang napakatamis na
bunga nito, subalit sulit naman ang magiging bunga nito kung aalagaan ng mabuti
at magiging makabuluhan ang paghihintay.
Tulad
ng napakaraming puno ng mangga, karaniwang namumunga ito sa pagsapit ng pasko
hanggang sa tag-init at bihira na lamang ito sa tag-ulan.
Maaaring
ibenta ang bawat piraso nito ng piso hanggang tatlong piso depende sa laki at
puwede rin naman limang piso kada kilo mas mura kaysa sa mga humahango.
Bukod
sa puno ng Mangga, kilala ang pilipinas sa puno ng buko, sa uri ng panahon dito
sa Pilipinas, marami ang naghahanap ng mga malalamig na inumin, at ang isa sa
mga patok ay ang buko juice, maaari ring gawing ice candy ang laman ng bunga
nito, at ibentang panlinis ng bahay ang bao nito, ang bunot.
Kung
magtatanim ng mga punong ito, siguraduhin lamang na mayroon kayong espasyo
upang hindi maipit ang mga ugat nito, at maganda dapat ang lupang pagtataniman
para maging maganda ang paglaki ng mga puno.
Tandaan, ang mga puno ay mayroon ding sariling buhay tulad ng sa mga tao at hayop, kung ang tao at hayop ay kailangan ng pag-aaruga, gayundin ang sa puno upang lubos itong mapakinabangan.
Comments
Post a Comment