KARE-KARE, PINOY’S FAVORITE FIESTA DISH (RECIPE)

 

                 Napakaraming fiesta sa Pilipinas, fiesta rito at fiesta roon, kaya sa bawat fiesta na magaganap sa bansa, karaniwang paborito ng mga Pilipino ang kakaibang lasa ng kare-kare, hinahanap-hanap at talagang mapapa-thumbs up ang kumakain nito.

                Sino ba naman ang hindi nakakakilala ng Kare-kare ng mga Kapampangan? Sa totoo lang, hindi lang kare-kare ang ipinagmamalake ng mga Cabalen, nariyan ang bopis, manok at bangus relleno, crispy pata, embutido, kaldereta, lechon kawali, at pochero.

                Nagkaroon na rin ng iba’t-ibang version ang kare-kare, mayroong naglalagay ng gata tulad na lamang ng version ng mga Bikolano, at sari-sari pa tulad ng paglalagay ng iba’t-ibang gulay tulad ng kangkong at iba pa.

                Ang iba naman, ginagawa itong exotic, bukod sa mga version nito sa iba’t-ibang panig ng bansa, sa karaniwang baka at baboy na pangunahing sahog ang iba mayroong vegetarian kare-kare, kare-kareng kambing, kare-kareng manok, at kare-kareng isda na hindi mga pangkaraniwan.

                Subalit, may mga ulat na nagsasabing mga Indiano at Briton ang nagdala at nagturo ng kare-kare sa mga Pilipino, bagama’t patuloy pa rin itong pinag-aaralan, ang kare-kare na nga ang isa sa mga paborito lalo na’t bihira lamang itong matikman dahil may kamahalan.

                Kung iniisip ang mga Pilipino, sa Pampanga at sa ilang bahagi lamang ng Luzon popular ang kare-kare, nagkakamali kayo, dahil ang putaheng ito ay sikat sa Sulu at Tawi-tawi sa kanilang sariling version.

                At siyempre, ang pinakasikat na kapareha ng kare-kare ay ang bagoong na perfect na perfect sa lasa ng kare-kare, ika nga sa kanta, perfect combination.

                Bakit ng aba paborito ng mga Cabalen at Pilipino ang kare-kare? Dahil ba sa mga sangkap nito na gumagamit ng oxtail o yung buntot at twalya sa tagalog o kaya naman dahil sa lasa ng peanut na isa ring paborito ng mga Pilipino.

                Halina’t alamin kung bakit kinahuhumalingan ng mga pinoy ang kare-kare, hindi lang sa handaan at fiesta, pati na rin sa pamilya.

MGA SANGKAP

Oxtail (isa)

Kalahating kilo ng twalya o laman ng baka o tag ¼ ng twalya at baka

Puso ng saging (isa)

Dalawang tali ng pechay, hatiin sa gitna (crosswise)

Isang tali ng sitaw, putulin in 3-inch kada piraso

Apat na piraso ng talong, hiwain ng patagilid

Dalawang piraso ng sibuyas, diced

Isang ulo ng bawang, minced

½ cup ng mantika

8 cups ng tubig

¼ cup ng giniling na toasted rice (pampalapot)

Isang bote ng peanut butter

Isang kutsara ng atsuete, salain sa kalahating cup ng tubig

Asin at paminta

½ cup ng bagoong (Sangkap: Asukal, suka at bawang)

 

PARAAN NG PAGLUTO

Pakuluan ang mga karne sa pressure cooker upang mabilis na maluto.

Habang pinapakuluan, maggisa sa mainit na mantika ng bawang at sibuyas, ilagay ang nasalang atsuete at tubig.

Ilagay ang puso ng saging.

Ilagay ang mga karne at doon na ituloy ang pagpapalambot.

Lagyan giniling na toasted rice upang lumapot at peanut butter, asin at paminta para lumasa.

Haluin lang haluin at ilagay ang mga gulay, sitaw, talong at pechay, maglagay pa ng tubig kung masyadong lumapot ang sabaw.

Hintayin na lamang maluto ang gulay at maaari na itong ihain na may kasama pang bagoong.

PAGLUTO NG BAGOONG

Maggisa ng bawang sa mainit na mantika, pakuluan ito at ilagay ang hilaw na bagoong, lagyan ng asukal at suka, hintayin itong mainin o maluto at maaari na itong i-serve.

                Sa mga sangkap at proseso pa lamang ng pagluluto, siguradong matatakam na ang lahat dahil sa kakaibang aroma at lasa.

 


               *Photo credit to PanlasangPinoy.com

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN