PORK SISIG, PANGPULUTAN NA, PANG-ULAM PA! (RECIPE)

 

                    Kahit saang kanto na may nag-iinuman, kung hindi chichirya ang kanilang nginangata, ang pinaka pamosong Sisig ang pinaka partner ng anumang inumin. Maraming uri ng sisig na puwedeng gawin, may laman loob ng baboy o manok, o kaya naman parte ng baboy tulad ng liempo. Subalit hinay-hinay lang a’, mataas ang koresterol nito kaya nakakahilo at madaling makasakit ng ulo dahil fat nito.

               Subalit napakadali lang naman nitong lutuin para sa isang serving, at sa isang upuan ng pakikipag-inuman at pakikipagkuwentuhan sa mga barkada at kaibigan.

MGA SANGKAP

Baboy (liempo)

Luya

Sibuyas

Bawang

Siling pula

Calamansi

Itlog

Mayonnaise

Mantika

Asin at paminta

PARAAN NG PAGGAWA

               Pakuluan ang baboy sa kumukulong tubig, ‘pag napakuluan na, iprito ito sa mainit na mantika, kailangan ditto ay deep fried o ‘yung lubog sa mantika upang hindi manikit.

               Habang nagpiprito, hiwain ng pino ang bawang, sibuyas, luya at siling pula, gayundin ang liempo kung ito’y na-prito na.

               Igisa ang bawang, sibuyas, luya at siling pula sa mantika, pagkagisa, ilagay ang liempo at haluin ito, lagyan ng asin at paminta upang lumasa at pigaan ng kalamansi. Magbate ng itlog at ihalo ito sa ginigisang sisig at kapag luto na, lagyan ito ng mayonnaise.

               Ayan, puwede nang ihain ang Pork Sisig, piliin na lamang kung saang hapagkainan ito ihahain, sa lamesa ba upang gawing ulam o sa lamesa upang gawing pulutan?


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN