Tulong PARA SA MGA TAGA-MONTALBAN









Wow, na-aamaze ako na sobramg daminh tulong na dumarating dito sa bayan namin lalo na rito sa Kasiglahan Village kung saan lubhang naapektuhan nang nagdaang bagyong Ullyses. Ang Village namin ang naging laman ng balita sa TV, Radyo at Dyaryo dahil halos nasubmerge ito sa tubig baha nang umapaw ang Marikina River. 

Sa ngayon, sobrang dami kong nakikitang dumaeating na truck at tulong sa aming komunidad, kabilang sa aking nakita at nabalitaang nagpunta rito ay ang ating Bise Presedente Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, Team Payaman, Angel Locsin at iba-iba pang mga vlogger ng bansa. May mga private orgs din na nagpupunta ngayon at ang daan papuntang mga evacuation centers ay nagcause na ng traffic sa dagsa ng tulong. Syempre hindi na rin kami nagpahuli at namigay kami ng Hot meals, at relief packs sa Phase 1D, Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez, Rizal kung saan nabaha rin ang bestfriend ko.

Ngayon, patuloy ang dumarating na tulong ay isang patunay na likas na matulungin ang mga Pilipino, huwag nalang sana gawan ng malisya lalo na ng mga Pulitiko at siguradong babangon tayong lahat.



Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN