MGA MANGINGISDA, SUMABAK SA SWIMMING COMPETITION

 

            Mga mangingisdang Cebuano naman ang sumabak sa sports na may kinalaman sa tubig, ang boat race at ang swimming competition sa Mandaue, Cebu.

Sa paraang ito, hinihikayat ng naturang organizer ng event na mahilig sa sports ang kanilang mga mangingisda at upang mahubog ang kanilang talento sa paglangoy at pagpapalakas ng kanilang bisig sa pagsagwan.

               Ayon sa ulat sa GMA News TV, tumigil muna sa pangingisda ang mga kalahok upang makasali sa kakaibang kumpetisyon na karaniwang nilalahukan lamang ng mga propesyunal at may pera.

               Ayon pa rin sa ulat, 15 na mangingisda ang lumahok at nakipag-unahan sa boat race, at nagwagi ang 55-anyos na si Jaime Parawan at inungusan niya ang mga mas bata pang manglalahok kaysa sa kanya.

               Ang 29-anyos naman na si Jocel Serafica ang namayani sa ginanap na swimming competition sa nasabing event.

               Ang mga palarong ito ay bahagi ng kanilang proyekto sa kanilang pista at mahikayat na rin ang mga kabataan at kababayan na sumabak at sumali sa sports.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN