Posts

Showing posts from 2018

FRIED RICE WITH A TWIST (RECIPE)

Paboritong kapares ng tapa, tocino, hotdogs, ham and bacon at siyempre, ng itlog – Sinangag, dadalas itong ihain sa pang almusal, samahan lamang ng kape, kumpleto na ang umaga nating lahat.                 Sa ibang lugar dito sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila, hindi lang pang almusal ang sinangag, sikat kasi ang tapsilugan na pang midnight snacks.                 Ang sinangag ay nakatitipid, dahil sa bawat natitirang kanin, nasasayang ang produksyon nito at tipid sa gastos dahil sa maaaring kainin muli ang tiring kanin.                 Para pasosyalin ang simpleng fried rice, puwede itong lagyan ng sari’t saring sahog na magpapasarap sa sinangag. MGA SANGKAP Tirang kanin Bawang Onion Spring (Hiwain sa maliliit) Ham (Hiwain sa maliliit) Itlog (Isang piraso) Chorizo Butter Hotdog (Hiwain sa maliliit) Asin Dahon ng pandan PARAAN NG PAGLUTO                 Igisa ang bawang sa butter, kapag mapula na ang bawang, isama na ang Ham, chorizo at hotdog.    

BUSY SA WORK, NO SOCIAL LIFE!

Minsan talaga, bago ako matulog sa gabi, naiisip ko na wala na talaga akong panahon para sa sarili ko, as in 18 hours per day ko ang napupunta sa work (including transportation) at 4-5 hours lamang ang tulog kada araw, kaya kung bibigyan talaga ako ng pagkakataon, magtatravel talaga ako. Sana dumating ang panahon na iyon. Dahil feeling ko napaka-lungkot ng buhay ko, walang gimik, walang barkada, as in trabaho bahay lang. Kaya sa mga taong super busy jan dahil sa work, uso ang mag-leave at mag-enjoy. Dahil ako, hindi ko magawa yun! magle-leave ako bukas at makapag-gala at makapag mall kahit walang pera. May CREDIT CARD naman na! Hahaha.

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) LAST PART

39th day – 48 th day: Naging masaya ang pagsasama ng dalawa, masayang masaya, kulang pa ang mga salitang iyan para idescribe ang kanilang kasiyahan. 49 th day: Kung ganun kaikli lang ng kanilang pagkakakilala sa isa’t-isa at sa maikling panahon na ‘yon ay naging maganda ang kanilang pagsasama. Ayon nga sa isang kanta, “Oh kay bilis ng iyong pagdating, pag alis mo ay kay bilis din” Nakatanggap ng tawag si Jenny papuntang abroad, sa Switzerland, naroon ang kanyang kapatid at niyayaya itong doon na manirahan at mamuhay ng payapa, at kailangan ng umalis kinabukasan. Hindi makapagdecide si Jenny dahil ayaw niyang iwanan si Johnny subalit ayaw niyang iwan ang pagkakataong matagal na niyang pinapangarap. Kinagabihan ay nag-usap sila ni Johnny “Huh? Iiwan mo na lang ako basta-basta, hindi naman tama iyan, mahal kita, ayokong mawala ka sa piling ko” – “Babalik ako! Pangako ko sa iyo yan, intindihin mo naman ako, matagal ko ng pangarap ito, bata pa lang ako gusto ko ng mag-abroad, pleas

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 4

“Ano ba ang nangyari? Gumaling na ang tatay ko pero parang nagluksa ka naman diyan, at ano nangyari sa braso mo?” – “Masaya lang ako para sa tatay mo, at masaya rin ako kasi kinakausap mo na ako” Bumalik si Johnny sa kanyang puwesto at tinanong nito si Ryan kung may problema ba si Jenny. “Binubugbog kasi siya ng Boyfriend niya eh, matagal ng nangyayari iyon pero hindi niya ito maiwan dahil mahal niya, mahal na mahal niya!” Natahimik si Johnny sa kanyang narinig at agad bumalik sa kinapupuwestuhan ni Jenny. “ Alam mo Jenny, hinding-hindi kita sasaktan ” – sambit ni Johnny, napangiti lang si Jenny sa kanya at sinabing “alam ko naman iyon eh, ako lang naman ang nananakit sayo eh” – “Kailan mo ko sinaktan? Kahit saktan mo ako, tatanggapin ko ‘yon dahil mahal kita”. “Hindi” – sambit ni Jenny ng biglang sumingit si Johnny “Ako, hindi ako naniniwala sa love is blind, dahil ang pagbubulag-bulagan sa pagmamahal ay isang katangahan, ang pagmamahal ay maitutulad sa isang puno, dahil ang pu

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 3

“Mahirap talaga magmahal no? Lalo na kapag ang taong minamahal mo ay naghihirap ngayon sa isang karamdaman na hindi mo alam kung magigising pa siya o hindi na, ngayon, hindi ko na alam ang kapalaran ng buhay” – Singit pa ni Johnny. Sumagot naman si Jenny sa kanya at sinabing “Alam mo, ang kapalaran ng buhay ay hindi hinuhulaan, dahil ang kapalaran, ginagawa ‘yan at pinaghahandaan”                 Paputol na sumagot si Johnny “Bakit? Hindi ko naman pinaghandaang mahalin ka ah, pero mahal pa rin kita, mahal na mahal pero ikaw hindi mo kaya” – “Di puwede Johnny, may mahal akong iba”                 Agad pinutol ni Johnny ang usapan at napaiyak na lamang sa kanyang narinig, sa isip-isip niya, napakalupit ng mundo, malupit ito lalo na sa mga damdaming nasasaktan, naisip niya rin na napaka unfair ng buhay.                 21th day midnight – 22th day: Hindi makatulog si Jenny, tanung niya sa sarili, tama ba ang ginawa niya, lalo niyang nasaktan ang damdamin ng iba, kaya naman labis na

EGGS EVERYDAY!

Image
Alam kong healthy ang itlog pero kung every day, ayun ang hindi ko alam, basta ang alam ko, my favorite dish every morning is scrambled egg na itinitinda sa canteen namin sa office. So, every morning eggs ang almusal ko, may nagsabi kasi sa akin na healthy at maganda sa katawan ang itlog kung araw-araw itong kakainin tuwing umaga. Pero we all know naman na everything should be in moderation, kaya naman kanina, hindi na scrambled egg ang breakfast ko, tortang talong at meat loaf naman na kinover sa itlog. Hahaha. Pero ano nga ba ang magandang epekto ng itlog sa ating katawan kung araw-araw itong kakainin? Ayon sa aking pagsisiyasat, ito ang mga datos na aking nakuha. 1. Inirerekomenda ito ng mga doktor dahil sa mga magandang nutrisyon at napakaraming bitamina tulad ng Vitamin A, D, E, K, B6, B12 at may Thiamin, Riboflavin, folate, Betaine. 2. Ngunit napakaraming cholesterol na matatagpuan dito, maihhalintulad ang taas ng cholesterol nito sa seafoods, atay at iba pang pagka

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 2

Third Day: Bored na bored na si Johnny sa kanyang mga ginagawa pero okay lang ito para sa kanya dahil nakikita niya naman ang kanyang crush.                 Fourth Day: Birthday ni Johnny ngayon, hindi niya ito sinasabi sa mga kasama niya sa office dahil sa nahihiya siya subalit may biglang bumati sa kanya. “Happy Birthday to you!” napalingon si Johnny kung sino ang bumati sa kanya upang magpasalamat agad “Thank you” tugon naman ni Johnny ng maglulat naman siya na si Jenny pala ang bumati. “Paano mo nalaman?” tanung ni Johnny na medyo kinikilg pa sa kanyang boses. “Edi sa Resume mo! Mamaya, icelebrate natin yang birthday mo” sagot ni Jenny, Ngumiti na lamang si Johnny at namumula na lang dahil kinakausap siya ng crush niya.                 Kinagabihan sa office, mga 7 ng gabi, pauwi na siya, may dumating na cake para sa kanya at doon na sila nagsimulang magcelebrate. Doon na rin siya naging kumportable kay Jenny na agad niyang naging kaibigan.                 Fifth Day: Dahil sa

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 1

Required sa practicum ni Johnny na mag OJT sa isang kumpanya upang makagraduate agad sa susunod na semester. 400 Hours ang required hour’s nila ito ay katumbas ng limangpu’t araw na kailangan niyang bunuin upang matapos ang internship, ang 400 hours ay kabuuan lamang ng dalawang buwan saw along oras na pasok araw-araw.                 Nagpaalam si Johnny sa kanyang Ina na maghahanap muna sya ng pag oojt-han ngayong araw. Si Johnny ay isang Information Technology student sa isa sa mga sikat na unibersidad sa bansa, ang Adamson University. Nag apply si Johnny sa isang sikat na IT company sa bansa upang ipamalas ang kanyang kakayahan sa larangan ng computer programs.                 “Sir san po ba maaaring magpasa ng resume for OJT?” Ani ni Johnny. Pinapunta siya ng guard sa HR Department upang makapagpasa ng resume, may nakita siyang kakaiba, nakita niya ang isang empleyado, maganda at kaakit akit at mukhang kaedad niya lang din. “Jenny, pa-assist muna itong nag-aapply for OJT” ani

CARINDERIA: MURA NA, SULIT PA (Pangkabuhayan Tips)

Mura, abot kaya at talaga namang nakatitipid ang mga gutom na sikmura sa karendirya, kya simulan na itong inegosyo upang may mapagkakitaan ngayong panahon ng tag gutom.                 Patok na patok ang mga karendirya lalong lalo na sa mga driver, mga busy sa trabaho at kahit ang mga nagtitipid na mga estudyante. Parang restaurant din ang menu at ang mga putahe na maaaring pagpilian. Laging present sa pagpipilian ang menudo, sinigang, nilaga, kung anu-anong gulay, pritong isda, lutong manok at marami pang iba.                 Saan nga ba nagmula ang konsepto ng carinderia? Ang carinderia ay inintroduce sa atin ng mga Espanyol na kung saan nagging patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino. Kaya saan pa? Kahit saang kanto ng ating bansa ay mayroong carinderia, kaya halina’t magtayo nito.                 Maraming mga factor na kailangan isaalang-alang kapag magtatayo ng carinderia. Una, kailangan alamin ang gusto o hilig na ulam ng mga Pilipino. Pangalawa, alamin kung saan maaarin

TOKWA’T BABOY SA TAUSI (recipe)

Madalas ipulutan, ito ang laging unang isasambit tuwing maririnig natin ang pagkaing Tokwa’t Baboy, bukod kasi sa sisig, paboritong pulutan ng mga lasinggero’t lasinggera ang tokwa’t baboy na isasawsaw lang sa suka at ayos na at bagay na bagay na sa pampainit ng inuman.                 Sabi ng iba, bagay talaga sa isa’t isa ang Tokwa at ang Baboy, ano nga ba ang meron sa mga ito na pati ang mga nag-iinuman ay ito ang hinahanap-hanap? Ang tokwa kasi ay mayaman sa protina at calcium na nagpapatagal at nagpapalakas sa mga tagayan, nagpapalasa at nagbibigay naman ng sarap ang baboy dito.                 Pero alam niyo ba na hindi lang pulutan ang tokwa’t baboy? Madalas din itong gawing ulam sa mga restaurant at kahit sa lutong bahay lang. Sinasamahan ito ng Tausi, ang tausi ay isang black beans na binuburo upang lumabas ang sarap at lasa nito, ito ay nagbibigay din ng aroma at nagdadagdag ng flavour sa kung anung ulam na lalagyan nito. MGA SANGKAP Baboy (Hiwain ng pa-cubes) Tokw

BANANA CUE, CAMOTE CUE, TURON! (tips)

Image
Matamis, panghimagas at talagang paborito ng karamihan tuwing tag ulan lalo na kung ito’y bagong luto, ano nga ba ang sikreto sa masarap na mga meriendang ito? Alamin kung bakit patok na patok ito sa mga de karitong at de tulak na tindahan, lako o puwesto sa mga kalye ng iba’t ibang dako ng bansa.                 Masayang inegosyo ang pagtitinda ng banana cue o banana q, Camote cue at turon sapagkat karamihan ng mga Pilipino ay kumakain nito. Maaari mong ibenta sa halagang sampung piso sa kada stick o tuhog na may dalawa hanggang tatlong piraso ng saging. Sa pagtitinda ng mga ito, kinakailangan mo lang ng maraming mantika at asukal na pula at manibalang (kahihinog pa lang) na saging nang saba. Sa camote cue naman, ang dapat na gamiting kamote ay ang Kamoteng gapang (dipende sa kulay, may kulay ube, puti at dilaw), kadalasan itong nakukuha sa ilalim ng lupa. Tiyak na malaki ang tutubuin dito ng isang mamumuhunan basta’t may tiyaga at maging pasensyoso sa paghihintay ng mga customer.

BEEF BROCCOLI (recipe)

Malinamnam, masarap at isa sa mga pinakamahal na gulay sa ating bansa – ano pa, edi ang sosyal na ulam ng mga Vegetarian, ang Broccoli, pero lalo itong mas sososyal kapag sinamahan mo ng baka, malambot na baka.                 Alam niyo ba na ang pagkaing ito ay hindi lamang sikat sa mga Pilipino Restaurant, isa rin ito sa mga binibida ng mga Chinese, American at European Restaurant. Hindi nakapagtataka, paborito ito ng maraming tao sa buong mundo. Sa Pilipinas, sa Baguio City ang may pinaka mataas na produksyon nito kaya kung nagbabalak bumili, siguradong mura sa Baguio, ayun ay kung malapit ka lang sa lugar na iyon.                 Ang Broccoli ay mayaman sa vitamin C at dietary fiber at nagtataglay ng anti-cancer vitamins tulad ng diindolylmethane at selenium kaya naman napakahalaga ng gulay na ito. At hindi lang iyan, mayroon pa itong 24 o dalawangpu’t apat na bitamina sa kada isang kilo ng broccoli.                 Tiyak na masarap na recipe ang kahit anung ulam na may kasa

PINAKASIKAT NA TINDAHAN NI ALING NENA (TIPS)

Pabili, pagbilan – ano ‘yon? Ilan lang ang mga katagang iyan na palagi nating maririnig sa tindahang kahit saang kanto ay mayroon, daig pa nito ang grocery store na ikaw mismo ang maghahanap ng bagay na iyong bibilhin bagkus may tinderang nakaabang para ibigay ang iyong binibili.                 Ang tindahang ito ay ang Sari-sari store, bakit nga ba ito tinawag na sari-sari? Dahil ang mga paninda rito ay sari-sari, may de lata, junk foods, sabon, instant noodles at iba pang kakailanganin natin sa ating mga kabahayan, ang salitang ito ay katulad lamang ng iba-iba. Alam niyo ba na ang Sari-sari store ay matatagpuan lamang sa Pilipinas? At karamihan ng mga nito ay nasa tabi lang ng kalye, tapat ng kalsada, harapan lang ng bahay na kadalasang suki ang mga kapitbahay.                 Kaya kung ikaw ay may magandang puwesto, o nagbabalak ng ganitong uri ng negosyo, bakit di mo i-try? Di ka na aalis ng iyong bahay, kikita ka pa. At dapat, ay matiyaga kang maghihintay ng customer na sis

TUYO AT CHAMPORADO

Matamis at maalat, ilan lamang ‘iyan sa mga paboritong lasa ng mga Pilipino, kaya naman tayong mga Pinoy ay sobrang hilig sa Pares tulad na lamang ng dinuguan sa puto, pandesal sa kape at ang pinaka-patok na tuyo sa champorado.                 Sinong may sabing pang mahirap lang ang tuyo? Kahit nga mismo ang ilang mayayaman ay paboritong paborito ito. Paano pa kaya kung may kasama pang champorado? Masarap sa almusal at merienda at minsan ginagawa ring pang midnight snacks.                 Lalong masarap ang champorado kung may gatas at talagang bagay ito sa maalat na tuyo. MGA SANGKAP Sa Pagprito ng tuyo Isang balot ng tuyo (limang piraso) Mantika Sa pagluto ng champorado Kalahating kilo ng malagkit na bigas 4 cup ng tubig ¼ kilo ng asukal Isang lata ng evap milk PARAAN NG PAGLULUTO                 Iprito ang tuyo sa mainit ng mantika sa loob lamang sa lima o mababa pang minute.                 Isaing o pakuluan ang malagkit na bigas sa tubig, pakuluan hang

Ice For Sale (Pangkabuhayan tips)

Sa ganitong panahon, sunod-sunod ang pagtaas ng mga bilihin at bayarin kaya marami ang gustong makatipid, ang solusyon? Magbawas sa paggamit ng mga appliance sa mga kabahayan.             Kaya naman ang iba, sinasamantala ang mainit na panahon upang kumita. Marami sa mga bahay-bahay ang gumagawa ng yelo sa plastic na s’yang ibinebenta o ipinagbibili.             Sa totoo lang, malakas komunsumo sa kuryente ang refrigerator na gaamitin sa pagtitinda ng yelo dahil mas malaki ang makina nito at malakas din ang pino-produce na init. Subalit kung ayaw naman itong patayin dahil sa init ng panahon at makapagpalamig din ng tubig na inumin, pwede naman itong pagkakitaan o pangdagdag bayad sa kuryente. Kung ang freezer ng refrigerator ay malaki o maaaring makagawa ng 30 piraso ng yelo, siguradong kikita ka ng kulang kulang 100 na piso kada araw sa tatlong pisong halaga nito kada piraso.             Tiyak na kikita sa ganitong paraan dahil plastik na pang yelo lamang ang kakailangan

PAGKAKALBO, PAANO MAIIWASAN

Image
Masakit sa ulo, kinakahiya at talagang mapapakamot ka nalang kung mawawalan ka naman ng buhok, ano nga ba ang sanhi nito at paano ito malulunasan?                 Ayon sa mga pag aaral, normal lang ang pagkaubos ng buhok lalo na sa mga kalalakihan pero paano kung bata pa lang ay nalalagas na ang inyong mga buhok? Kung ganu’n ang sitwasyon, magpakonsulta na sa doctor, baka kasi ito’y sakit na tulad ng cancer at iba pa.                 Marahil ay namamana rin ito, kung ang buong pamilya ay may ganitong kalagayan, maaaring dahil ito sa genes ng ina o kaya ng isang ama. Minsan, isinisisisi ito sa stress o masyadong kapaguran sa trabaho. May dalawang uri ang pagkalagas ng buhok ng isang lalaki, una, ang pagkaubos sa gilid ng noo pataas sa ulo at pangalawa, pag pagkawala ng buhok sa tuktok ng ulo o ang pagkapanot.                 Ayon sa ginigagawang pag aaral sa ibang bansa, normal lang sa isang tao na malagasan ng buhok sa di lalagpas sa bilang ng isang daang hibla nito, dahil kung

The Flu

Masakit ang ulo, sinisipon, inuubo, mabigat ang pakiramdam. Lahat na lang ng senyales ng flu o trangkaso ay nararamdaman ko ngayon. Pero eto, nagblablog pa rin at nakatutok sa cellphone. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, bukod natalo ang Adamson sa UST sa UAAP Volleyball na kahapon ko pa inaabangan at natalo rin ang De LaSalle sa NU, lalong sumama ang pakiramdam ko. Ang nagawa ko nalang ngayon ay uminom ng gamot. Pero hindi pa nagtatapos ang araw na ito, pinapagawa pa ako ng tell "ice for sale" ng nanay ko. Hay napakatamad naman kasi ng mga tao dito sa bahay. O sya, magpapahinga muna ako at pagkatapos ay gagawa ng yelo at magpa-plantsa ng long sleeve ko para bukas.

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

Image
Pilipino, Italyano, Amerikano, Latino, Asyano at iba pa, talaga namang  katakam-takam ang pagkaing ito lalong-lalo na sa mga tsikiting.             Paano ba naman? Simpleng handaan o espesyal na okasyon man tulad ng kasalan, kaarawan, debu, binyag at iba pa, hindi mawawala ang spaghetti sa handaan ng mga Pinoy. Kung ang bersyon ng spaghetti ng mga Italyano ay maasim at pinaghahandaan sa presentasyon, ang bersyon naman ng mga Pilipino ay matamis, sadyang mahilig kasi ang mga Pinoy sa mga matatamis na pagkain, kaya naman naisip ng mga madiskarteng Pilipino na lagyan ng asukal ang sarili nating luto ng spaghetti.             May mga lumalabas na nga ring Pinoy Spaghetti na nasa sachet o ang tinatawag na instant spaghetti (bersyon ng instant noodles / Lucky me) dahil ito sa sobrang pagkahilig nating mga Pilipino sa pagkaing ito. Isa sa mga haka-haka, kuro-kuro at kasabihan ng mga matatanda ay pampahaba raw ito ng buhay, itinuturing ito bilang food for long life kasama ng pansit, kaya

Tinolang Manok (Recipe)

Paboritong ulam ito ng mga Pilipino, bakit hindi? Inilathala pa nga ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na ang tinolang manok ang pinaka paborito niyan ulam, dahil sa sabaw at sahog pa lang nito, siguradong kanin na lang ang kulang.                 Alam niyo ba na ang luya ang isa sa pangunahing nagpapalasa sa tinola, at alam n’yo rin ba na maaaring alternatibo ang baboy kapag walang manok. Ang tinola ay naimbento na rin sa panahon ni Jose Rizal noong 19 th century at nailathala na rin ito sa nobelang Noli Me Tangere. MGA SANGKAP Isang kilong manok Isang katamtamang laki ng Luya Tatlong dinikdik na bawang Isang sibuyas Dalawang hiwa hiwang sayote o kaya naman papaya Dahon ng Malunggay (Mas masustansya) Tatlong baso ng Tubig Isang chicken cube Patis At isang kutsaritang mantika PARAAN NG PAGLUTO                 Igisa ang bawang, sibuyas, at luya sa mantika.                 Kapag naigisa na, ilagay na rin ang manok upang ito’y maigisa na rin at lagyan

Sinigang, Patok sa Panlasa ng Pinoy (Recipe)

Maasim, napakasarap higupin at mapapatalon ka sa sarap at malinamnam na sabaw ng sinigang.                 Maraming uri ng sinigang, mayroong sinigang sa miso, sampaloc, bayabas, sa hipon, bangus, baboy at marami pang iba. MGA SANGKAP PARA SA SINIGANG SA MISO 1kg Bangus 2 spoon Miso Sinigang Mix Kamatis Sibuyas Bawang, Asin at paminta PARAAN NG PAGLUTO Step 1: Igisa ang sibuyas, kamatis at bawang sa mantika Step 2: Isama sa gisa ang miso (igisa ng mga dalawang minuto) Step 3: Igisa na rin ang hiwa-hiwang bangus Step 4: Pagkatapos igisa, lagyan ng sabaw at timplahan ng asin, paminta, betsin, at sinigang mix at pakuluan hanggang sa maluto.

Mga Maaaring Pagkakitaan Ngayong Parating na Summer (Tips)

Mainit, nakakainis, nakakapanglagkit at masakit sa ulo sa tuwing sasapit ang summer season sa ating bansa.                 Lalong-lalo na pag walang laman ang bulsa, bakit di mo subukang maghanap ng pagkakakitaan? May mapaglilibangan ka na ngayong tag-init, kikita ka pa.                 Ngayong summer, usong uso at gustong gusto ng panlasa ng mga pinoy ang malalamig at pangtanggal uhaw na mga inumin tulad ng halo-halo, samalamig, fruit shake, ice candy at marami pang iba.                 Sa mga nagpla-planong magtinda ng isa sa mga sikat na pampalamig na halo-halo, kinakailangan lamang ng limang daang pisong puhunan para sa limang sahog tulad ng saging, kamote, gulaman, sago at halaya o ube.                 Kasama na ang iba pang sangkap tulad ng yelo, asukal, at syempre ang gatas, kabilang na rin ang mga bagay na gagamitin tulad ng plastic na baso at kutsara.                 Sa halagang limang daan, siguradong kikita ka na basta marunong lamang humawak ng hanapbuhay at neg

Ang Pambansang Ulam, Adobo (Recipe)

Nakapanghuhumaling, nakagigigil at patok sa panlasa ng mga pinoy, at take note, hindi lang sa mga pinoy kundi pati sa mga dayuhing panlasa rin.             Alam niyo ba na ang adobo ay niluluto na ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga kastila? Ang salitang Adobo ay nanggaling sa salitang Adobar kung saan ang ibig sabihin ay ibabad o i-marinade, ginagamitan lamang ito noon ng suka at asin para timplahan ang manok. Subalit nung nakipagkalakalan na ang mga Pilipino sa mga Tsino, ay na-introduce sa atin ang paggamit ng soy sauce o toyo at nagkaroon ito ng iba’t ibang bersyon at naging patok sa mga Pilipino.             Napaka-ordinaryo lang ng mga sangkap at ang paraan ng pagluluto nito kaya naman lagi itong ginagawang ulam tuwing tanghalian at hapunan n gating mga kababayan. Para sa mga gustong matutunan ito, narito ang mga sangkap at paraan ng pagluluto. Mga Sangkap Para sa Adobong Manok Isang kilong sariwang manok ½ cup ng toyo ½ cup ng suka Isang ulo ng Bawa

PIPINO - PANGPALINAW NA, PAMPAKINIS PA (Tips)

Image
Napansin niyo ba ang mga nagpapa-facial scrubs or spa? Karamihan sa kanila naglalagay ng pipino sa mata, sa anong dahilan? Malalaman natin ang mga kasagutan sa pagtuklas ng mga mahahalagang bagay paukol sa ating kalusugan.             Ang Cucumber o mas kilala nating mga Pilipino na pipino, masustansiya at mabitamina. Ang gulay na ito ay isa sa mga pinakamayaman sa bitamina. Ang pipino ay sagana sa Vitamin C, Beta-Carotene at Manganese. Mayaman din ito sa Vitamin A kung saan ito’y pampalinaw ng mata at vitamin E na pampakinis ng balat.             Ang pipino ay mayroon ding bitamina na kailangan ng ating katawan tulad ng Vitamin B1, B2, B3, B5, B6, Folic Acid, Calcium, Iron, Magnesium, Phosphorus, Potasium at Zinc. Lahat ng bitaminang ‘iyan ay tinataglay ng pipino na maaring makatulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay.             Sa katunayan nga, ang pipino ay pang apat na gulay na may pinakamaraming naaani at produksyon sa buong mundo kasunod ng kamatis, repolyo at sibuya

Safeway Bus (Part III)

Yes. For the record talaga, never pa ako na-late sa office pag ito nasasakyan ko. Actually, inaabangan ko talaga na umikot ito sa may Dona Carmen sa Commonwealth Ave. Dahil doon ako sumasakay. Masaya naman makipaghabulan sa bus na ito dahil sa tuwing iikot na ito sa U-turn, lahat ng pasahero na papuntang baclaran, Cubao, Makati, Mandaluyong o taguig. Ay nag-uunahan para lang makasakay. At unfairness ah, muntikan ako mabalian ng buto dahil ang daming nanunulak. Parang MRT lang. Pero sa Safeway Bus, walang Alberta at hindi ako nale-late. Haha

My goals for 2018!

Bukod sa pagiging taga hugas ng plato, taga laba, taga plantsa pero damit ko lang at taga linis ng bahay. Wala akong reklamo, dahil ginusto ko naman yun at marami akong time. Bukod sa pagiging blogger, pagiging isang staff sa isang malaking TV network sa Pinas, isang investor/trader sa Philippine Stocks Exchange. Ang pangarap ko talaga ngayon ay makapag travel kahit da Pilipinas muna. Gusto kong sumama sa mga officemates kong hikers at gusto kong ieenjoy ang buhay. Gusto kong magdonate ng kaunting tulong financial para sa mga nangangailangan, kahit marami rin akong bayarin, kinakaya naman ng sahod ko at may mga investments at insurance naman ako as my ipon na rin. Haha. Pero higit sa lahat, dahil 25yo na rin ako ngayong taon, gusto ko na ng love life, yung long term. Haha

Ang Maasim na Paksiw (Recipe)

Ang paksiw na bangus ay isa sa mga pagkaing pinoy na masarap at naiiba ang lasa dahil sa paghahalo ng asim, alat, at tamis.             Bakit nga ba masarap ang paksiw? At  naisasama pa ito sa kantang “Pasko na Naman” bilang “pasko, paksiw” at minsan ay pinaglalaruan pa ito sa tongue twister. Mga Sangkap pasa sa Paksiw na Bangus Isang kilong sariwang bangus (hiwa-hiwa) ½ cup ng sukang puro Isang malaking Luya Isang ulo ng bawang (dikdikin) Dalawang talong (sliced) Isang Ampalaya (sliced) Tatlong siling haba Asukal Asin Paminta Paraan ng Pagluluto             Pagsama-samahin sa isang kaserola ang mga sangkap (Isang kilong sariwang Bangus, Luya, Bawang, Talong, Ampalaya, Siling Haba) (siguraduhing tanggalan ito ng kaliskis)             Pakuluan ito sa loob ng sampung minute at saka ilagay ang suka.             Pakuluan ang suka at wag itong haluin para hindi masira ang ulam, ang suka kasi ay nagbibigay kakayahan upang hindi agad masira o mapanis ang u

Hallway (Short Story)

Naghihintay si Angel na tawagin sya sa interview para sa isang malaki at sikat na kumpanya sa Manila.                 Balak ni Angel na mag-working student dahil wala ng pangtustos sa kanyang pag-aaral ang kanyang mga magulang na may sakit at hindi na nakakapag-trabaho. Habang nakaupo si Angel, may pinagtanungan siya kung saan pwedeng magpasa ng resume.                 “Sir, Saan po ba magpapasa ng resume?”                 “Ah, miss, hindi kasi hiring ngayon eh, balik ka na lang sa ibang araw”                 Napansin ng lalake na hindi nakaayos at casual lang ang suot ni Angel                 “Ah, ganun po ba? Mag-aapply po kasi sana ako, working student po”                 “Sige, ipasa mo na lang sa akin yung resume mo”                 “Salamat po, maghihintay na lang po ako ng tawag” Sabi ni Angel                 Nakangiti si Angel dahil sa maamong mukha ng lalake at napakabait nito sa kanya.                 “Gusto mo interbyuhin ka na ngayon?” Sambit ng lalake

ONLINE SELLING, PATOK NA PATOK (Tips)

Like, tweet, at share, ilan lang ang mga yan na madalas gamitin tuwing bubuksan natin ang ating mga Facebook, Twitter at Multiply account, kaya naman napaka-abala ng mga Pilipino sa mga Social Media na ito.             Dahil sa patok na patok na ito hindi lang sa mga pinoy, pinagkakakitaan na rin ito ng marami. Bakit hindi? Magpost ka lamang ng litrato sa facebook, itweet sa twitter at i-blog lamang sa multiply, talaga namang makikita ito ng buong sambayanan.             Tulad na lamang ng isang website na kung saan puwede kang magbenta o magbili, tiyak na may maghahanap, makikipag-usap at makikipag-deal. Maaari ring magbenta ng personal collections na ginagawa ng karamihan ngayon tulad ng bags, shoes, jewelleries, and clothes.             Totoong iba na ang panahon ngayon, isang click lang, maaari ng Makita ang gusto mo. Isang click lang, magkakapera ka na at isang click lang, magiging madali at magaan ang buhay ng lahat. Pero maraming masamang epekto ang teknolohiya, paalala l